Home | About Me | My Family | My Fun |

Sa iyo Aking Bisita

Kung ikaw ay isa sa aking mga naimbita
Dito sa aking munting mundo ng libangan,
Salamat sa iyong pagbisita aking kaibigan
Dito ako'y iyong lubusang makikilala

At kung ika'y hindi naman aking naimbita
Para ano at nandito ka at bumibisita
Sa iyo ba'y may nagbigay ng aking pahina?
O ika'y naghanap at naghangad na ako'y makita

Kung ano man ang dahilan ng iyong pagbisita
IIsipin at mararamdaman mo'y di ko na problema
Maiinis at magagalit sa iyong makikita
Alalahaning di kita inimbita, sa aking pahina

Di ko sinasadya kung ika'y aking masagasaan
Ikaw ang sumadya dito para mag-usyosong tunay
Ako'y wag mong sisihin sa iyong matutunghayan
Likhang isip ko sa malawak na kaisipan lamang

Mamatay ka sa inis, yan ay iyong kasalanan
Resulta yan ng iyong pakikialam, makitid na isipan
Kaya sige ika'y aking pagbibigyang maglakbay,
Sa aking mundong ginawa para sa mga kaibigan

Kung ikaw ay aking kaibigang napadaan lamang
Ika'y mangingiti't matatatawa sa maaring masilayan
At kung ika'y hindi kabilang sa aking mga kaibigan
Sigurado akong, masisira lamang ang iyong araw

Di ko na sasayangin pa ang oras mo, aking bisita
Alam kong kapilyahang pahina ang gusto mong makita
Nagbababakasali ka bang sarili mo'y maihalintulad?
Sa likhang isip kong tunog makatotohanan

click me
Photobucket - Video and Image Hosting if you hate me... but if not,.. then
Click me
and visit my little world on the internet.. have fun friends!!!!!
click to visit Friendster Profile



Make your own free website on Tripod.com